Pagrehistro ng Manggagawa
  1. Na pinahihintulutan ko ang (Philippine Licensed Recruitment Agency; Training Center; Hong Kong Employment Agency: kabilang ang third-party providers katulad nang (Halimbawa: YouTube, Facebook, Whatsapp, Line, We Chat, Weibo, Twitter, Instagram, HelperDB) at iba pang online social media, na isumite ang aking biodata at iba pang personal na impormasyon, katulad nang pangalan, tirahan, larawan, bidyo, nakasulat-kamay na biodata, HK ID kung mayroon, kopya at numero ng pasaporte, edad, relihiyon, vital statistics o sukat ng katawan, gayundin ang mga pangalan ng mga kasapi ng aking pamilya, na ilagak at irekord sa kanilang computer database upang makita ng publiko at ng mga potensyal na employer ang lahat ng ito para sa aking pagi-empleyo o paghahanap ng tarabaho;
  2. Na pinatutunayan ko na tumpak at tama ang lahat ng nilalaman ng aking biodata at iba pang personal na impormasyon;
  3. Na nabasa ko at naunawaan ang lahat ng nilalaman ng salaysay na ito, at walang panlilinlang, puwersa, dahas, o pananakot na ginamit laban sa aking upang maisalaysay ito; at
  4. Na isinasalaysay ko ito nang may kaalaman, sariling-kusa, at bukal sa aking kalooban at may kamalayan sa maaaring maging bunga nito.


Kinikilala ko na aking nabasa, naunawaan at sumasang-ayon ako sa mga kondisyon ng aking pagtatrabaho.

NEXT